Tuesday, August 28, 2007

Random thoughts by a blogger

Dear You,

Ano nga ba ang laman KADALASAN ng isang blog? napagtanto ko na karamihan ng mga bloggers [naks] ay mga estudyante pa lamang, hayskul man o kolehiyo na. Parang paraan siguro nila ng "release" mula sa mga pressures. Syempre, mga issues na kasama dyan ay:

- student life
- love life
- family life
- spiritual life
- life life

And you can add more to that. Pero personally (ahem) lahat na ata ng mailalagay e nailagay ko na sa blog ko. Medyo enjoy nga pag nagbabasa ng mga past blog entries kasi minsan mapapaisip ka "Di nga, sinabi ko yun?" But hey, believe it or not, you did! Minsan pa nga, isa itong means para mai-communicate natin sa iba [or sa kanya..aiyeee! kaw a!] kung ano ang ating nararamdaman. Parang yung di natin kayang sabihin, nilalagay natin dun, tapos pag nabasa nila [o nya? haha!] OOPS! Pero sa totoo talaga, isang malaking HOOORAH dahil nabasa nga nila/nya, naks, mission accomplished ka!

Pero sa libo-libong araw at libo-libong piso [umabot na ba?] na nailaan mo sa pagbblog, sa tingin mo, may nangyari ba? Nabago ka ba bilang isang tao? May mga natutunan ka ba habang nagpapakasasa ka sa pagttype ng kung ano-ano? Nagbago na ba ang mga pananaw mo sa buhay? May napapala ka naman ba sa mga pinaparating mo sa mga tao? [bakit, kayo na ba? *smiles*] kung wala/hindi, itigil mo na lang, kasi sayang. Sayang ang pagod, pera, at oras, kung wala rin palang nagagawa sayo ang pagttype mo ng kung ano-ano. E kung pinangloload mo na lang at diretsahan mo na lang na sabihin dun sa tao na:

1 Message Received
From: ME

"hI yOu, nGa plA, wg kA nA bUmIsItA sA bLoG q, wlA dn nmAn yun katUturAn, aNg guSto kO ln nMan mAbaSa mo duN e mAhaL kiTa, anO, tAyo nA?!"

SENT.

At kung sana ay natutulog na lang din ako't nagpapahinga kaysa nagttype dito dahil wala rin naman tong kabuluhan. Goodnight diary, sana ay wag kang magalit sakin.

*tanee

No comments: