Friday, August 24, 2007

Intro.

Dear You,

[kung ikaw ay babae] Hindi nga ba't mahilig kang magsulat sa diary? "Oh Diary! I saw him today, and he smiled at me! *squeals*"


[kung ikaw ay lalaki] Hindi nga ba't mahilig kang magbasa ng diary nang may diary? "Pare, nabasa ko sa diary ng kapatid ko na dinatnan na pala siya! *laughs*"


Hindi ko alam kung ano ang meron sa diary at madami ang nag-aaway, nag-babangayan at nag-iiyakan dahil dito. At hindi lang diary! Kung medyo gusto mo ng "class" e mayroon ding blog (tulad nito!) na tulad ng diary, ay nagkkwento din ng mga karanasan ngunit mas pampubliko, di tulad ng diary na ang laman ay mga crushes at period.

Oo, pinagkakatiwalaan natin ang ating mga kaibigan, malamang! Pero bakit nga ba may diary pa tayo kung ganoon naman? (Ayan, tinanong ko na din ang sarili ko, dahil isa rin syang masugid na diary writer at blogger)

DAHIL: may mga bagay na sadyang di natin kayang sabihin sa iba, at upang mailabas ito ay idinadaan natin ito sa pagsusulat.

Nagkaroon na ako ng milyong mga notebook na ginawa kong diary, at ni isa ata e di ko pa napupuno. Pag binabasa ko ang iba habang wala akong ginagawa sa bahay, natatawa na lang ako sa mga sinulat ko, sarap sunugin.

Pero minsan napapaisip ako: Hindi nga kaya sayang ang tinta ng ballpen ko (ok! pati na rin ang pagod ko) sa ginagawa ko, e wala rin namang nakakaintindi, kundi ako {malamang ako lang ang nagbabasa e!}

Bukod sa mga ngiti na naidudulot nito, ano pa nga ba ang naidudulot ng blog? diary?

Haay, eto na naman ako sa pangagarap kong maging writer, antok lang siguro 'to, makatulog na nga! Goodnight diary, sleeptight!

*tanee

2 comments:

Anonymous said...

parang ako lang to a! haha, oo nga naman. ganto din ako e. di mapuno-puno diary ko. arg. pero mas ok ako sa blog. don't you agree?^^

Anonymous said...

nice.hehe

it was vry painful to love someone hu will just ignore you.